Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nisperos kinasahan si Espejo

0 183

Challenge accepted!

Hindi nagpahuli sa gilingan si University Athletic Association of the Philippines women’s indoor volleyball star Faith Janine Shirley Nisperos nang maispatang pasayaw na nagti-Tiktok video.

Sa Instagram story Lunes ng Ateneo Lady Eagle, kitang game siyang kumasa sa dance challenge na ‘Cutie Uyy x Dyosa’ ni dating national player Marck Jesus Espejo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Dumaan sa FYP ko eh. @marckespejooo idol,” caption ng 21-anyos, 5-1 ang taas na balibolista sabay pilantik ng wankata.
Habang tengga pa sa aksyon sa court ang dalagang outside hitter dulot ng pandemy, paaktibo na lang muna muna siya sa kanyang social media account.

March 2020 pa nang huling maglaro si Nisperos sa 82nd UAAP na kalaunan ay kinansela dahil sa ECQ na sanhi ng pandemya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.