Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nisperos, Rebisco butata sa Supreme

0 54

SADSAD sa ikalawang sunod na talo Philippine women’s volleyball squad na Rebisco sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship matapos maolats kontra Supreme Chonburi, 25-11, 25-16, 25-16, Sabado sa Terminal 21 Hall sa Thailand.

Mabitin ang 8 points ni Faith Nisperos pati ang tig-6 markers nina Denise Manabat at Kianna Dy dahil sa bagsik ng Thais.

Nanguna para sa Chonburi si Pleumjit Thinkaow matapos ang nilistang game-high 12 points.

Umambag rin para sa Thailand team si Wipawee Srithong at Waranya Srilaoong ng tig-11 marka.

SM food to go Banner Ad

Ito naman ang ikawalang beses na yumuko ang Rebisco sa palaro dahil nitong Biyernes lang ay bumagsak din sila sa Atlay sa straight sets.

Susubukang bumawi ng national team ngayong araw dahil nakatakda nilang tapatan ang Saipa Tehran.

Samantala, ang Team Choco Mucho ay hindi rin umubra kahapon matapos matumba kontra Zhetyssu ng Kazakhstan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.