Abante Tonite Interactive

Niyogniyugan Festival 2018

135

Patok na patok ang katatapos na Niyog­niyugan Festival na taunang idinadaos sa lalawigan ng Quezon. ­Taong 2013 nang unang ipagdiwang ang kapista­han sa buwan ng Agosto at simu­la noon, patu­loy na dinadagsa ang okasyon kung saan tampok ang mga kilalang produkto na gawa sa niyog ng probinsya.

Ang kapistahan ay isiniselebra bilang pasa­salamat sa masagang ani. Lahat ng munisipalidad ay kasali sa pagtitipon na nagsimula noong Agosto 9 hanggang Agosto 20.

Ayon kay Quezon supervising agriculturist Redem Querubin, umabot sa halos P17 milyon ang kinita ng festival na inasa­hang malalagpasan ang total sales noong nakaraang taon.

Abante Hiring – IT dep

Dinumog ng mga tao ang suman (rice cake) ng Infanta, calamansi ng General Nakar, danggit ng Buenavista at crabs ng Real. Patok din sa mamimili ang sikat na Lucban longganisa at pancit habhab.

Ipinagdiwang din noong Agosto 19 ang ika-140 kaarawan ni ­da­ting Pangulong Manuel L. ­Quezon.