Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nieto, Guiao maghihintayan

0 277

Willing to wait ang NLEX Road Warriors kay Matt Nieto.

Third pick ng Road Warriors ang isa sa kambal na pamato ng Ateneo noong December sa Gilas Pilipinas Special Draft.

Nasa NLEX na pero maninilbihan muna sa national squad si Nieto, pati ang apat na iba pang kasama niya sa special draft. Pagkatapos ng tour of duty sa Gilas ay saka sila aakyat sa PBA.

Top pick ng Columbian (Terrafirma na ngayon) si Isaac Go, nanorpresa ang Blackwater sa No. 2 nang tapikin si Rey Suerte ng UE. No. 4 ng Alaska si Allyn Bulanadi ng San Sebastian, natapos ang round nang kunin ng Rain or Shine sa No. 5 ang kambal ni Matt na si Mike.

“Si Matt Nieto obvious naman (kung bakit kinuha),” pahayag kahapon ni coach Yeng Guiao.

Teammates sa Ateneo sina Go, Matt at Mike. Kasama si Thirdy Ravena, mahalagang piyesa sila sa three-peat championship ng Blue Eagles sa UAAP noong 2017-2019.

“Alam natin siya ‘yung isa sa mga leader ng Ateneo na nag-champion,” dagdag ng NLEX tactician. “Maganda ‘yung background niya, maganda ‘yung upbringing n’ya not only as a player but as a person. Ako nakakasigurado ako na makakadagdag din ‘yan sa team namin.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.