Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NLEX barrier 24 oras itaas – Gatchalian

0 56

Sinabi ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na ide-demand niya sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na gawin nang 24 hours barriers-up sa lahat ng toll plaza nito.

Matatandaan na barriers-up scheme ang napagkasunduang solusyon ng Valenzuela government at NLEX upang mapagaan ang trapiko sa mga toll gate ng huli.

Sa ilalim nito, hindi kailangan na huminto at maghintay ang mga motorista na gumagamit ng RFID para mai-record ang mga toll transaction nila.

Iginiit naman ng NLEX, ang pagtataas sa mga barrier ay magiging sanhi ng aksidente, na kinontra ni Gatchalian.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“From 5 AM to 10 PM naka-barriers up kami at naka-dalawang buwan o tatlong buwan na wala namang problema. We are now demanding na buksan nila [NLEX] late until the evening kasi we have given it a try at wala namang naaksidente contrary to what they are saying,” ani alkalde sa Kapihan sa Manila Bay online press briefing.

“So our agenda is to do 24 hours barriers-up na and that’s our agenda to deal with them [NLEX Corp.] today because we wanted to do it mid-February. So we are going to do that,” dagdag niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.