Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NLEX-MVP kinuyog ng mga mayor

0 223

Kinampihan ng iba pang mga alkalde ang desisyon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagsuspinde sa business permit ng North Luzon Expressway’s (NLEX), na humakot ng mga reklamo dahil sa palpak umanong RFID para sa cashless na sistema ng pagkolekta ng toll.

Nitong Huwebes naglabas din ng kanilang pahyaag ang League of Municipalities ng Bulacan dahil sa RFID system na nagdulot ng mabigat na trapiko sa kanilang lugar.

“Kaming mga halal na Punong Bayan ng iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Bulacan ay… hinihiling na maglagay muna ng ‘cash lane’ upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga toll plazas na labis na nakaapekto sa mga motorist at biyahero,” bahagi ng pahayag ng mga alkalde sa probinsya na nadadaanan ng NLEX.

Sa binahaging tweet ni Gatchalian, maging si Pampanga Governor Dennis Pineda ay umapela sa NLEX at mga regulator upang ibalik ang cash payment sa mga toll plaza hangga’t hindi naisasaayos ang sistema ng RFID.

SM food to go Banner Ad

Kahapon, pinakinggan ng pamunuan ng NLEX ang panawagan ng mga lokal na pamahalaan. “Ibabalik natin ang cash lane. Magtatalaga na tayo ng cash lanes, halimbawa sa Balintawak toll plaza ‘yon pong malalaki maglalagay ulit tayo ng cash lane doon,” pahayag ni Metro Pacific Tollways Corporation (MTPC), operator ng chief communications officer Romulo Quimbo sa isang panayam.

Ang MTPC ang operator ng NLEX at bahagi ng kompanya sa ilalim ni Manuel V. Pangilinan.

Kaugnay pa nito, sa pakikipagpulong niya sa NLEX humirit ng 5 hanggang 10 porsyentong diskuwento si Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio Cruz Jr. para sa mga sasakyang may RFID.

Isinagawa ito matapos ilabas ang pahayag ng mga alkalde sa Bulacan na nagbabanta sa NLEX na gagayahan ang ginawa ni Gatchalian na pagsuspinde sa business permit ng expressway sa kanilang nasasakupan upang lumuwag ang trapiko.

Gayunman, binigyan muna ang NLEX ng tatlong araw para ayusin ang kanilang sistema sa paniningil.

Leave A Reply

Your email address will not be published.