Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NLEX-MVP naningil kahit sinuspinde permit – Gatchalian

0 225

Binigyan ng 24 oras ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian nitong Miyerkoles, ang NLEX Corporation na bahagi ng kompanyang hawak ni Manny V. Pangilinan, para ibalik ang lahat ng toll fee na kinolekta nito sa mga motoristang dumaan sa Valenzuela City segment habang may toll holiday.

Sa kanyang sulat kay NLEX Corp. president Luigi Bautista, sinabi ni Gatchalian na dapat bigyan ng kompanya ang local government ng kopya ng computer-generated report ng lahat ng daily collection nito sa pamamagitan ng RFID system o cash sa lahat ng toll booth nito sa Valenzuela City Toll Plaza noong Disyembre 7.

“And within 24 hours from receipt of this letter, reimburse all those who were accidentally charged with toll fees during the implementation of toll holiday in Valenzuela City,” dagdag ng alkalde.

SM food to go Banner Ad

Una rito, sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang business permit ng kompanya dahilan para ipatupad ang libreng toll fee sa nasasakupan nito. Nilatag din ng alkalde ang mga dapat na gawin ng NLEX upang maalis ang suspensyon at hindi tuluyang mabawi ang kanilang permit.

Samantala, nagbabala ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga tollway operator na may karampatang parusa at posibleng suspensyon dahil sa mga paglabag sa pagpapatupad ng rules and regulation ng cashless system sa mga expressway.

“These glitches, admitted by the North Luzon Expressway (NLEx) Corp. to be happening, are not new to TRB management and were subject to notices to correct,” ayon sa TRB.

Leave A Reply

Your email address will not be published.