Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NLEX panira sa Duterte cashless policy

0 135

Binakbakan ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang kawalang aksyon ng North Luzon Expressway (NLEX) sa sangkaterbang reklamo ng mga customer kaugnay sa overcharging ng Easytrip radio frequency identification (RFID) system nito.

Partikular sa reklamo laban sa toll operator ayon sa solon ay ang overcharging sa RFID kahit sa maiksi lamang umanong biyahe ay sinisingil o nagcha-charge ng katumbas ng buong biyahe sa kahabaan ng NLEX.

Basahin: Bayan Muna nangangamba sa power supply contract bidding

“In some cases, they are even charged twice,” ayon kay Defensor.

Bukod dito, may reklamo rin ukol sa nawawalang load na tinawag bilang ‘high-tech pangongotong’ o extortion.

“Aside from overcharging and disappearing loads, other complaints include poor customer response service, RFID scanners that don’t work, and an Easytrip app that cannot be accessed,” ayon kay Defensor.

Basahin: Dumoktor sa kaso ng killer cop hubaran – Bato

Dahil dito panawagan ni Defensor sa Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) obligahin nito ang toll operator na ayusin ang mga reklamo ng expressway users dahil kung hindi mabalewala ang cashless, contactless toll payment program ng gobyernong Duterte. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.