Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No. 1 carnapper sa Cagayan nalambat

0 33

Nasukol ang tinaguriang ‘Top 1’ carnapper sa buong Cagayan Valley matapos makipaghabulan umano sa mga pulis sa Echague, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang suspek na si Jayson Cadauan, 32-anyos, ng Brgy. Mabuhay ng naturang bayan.

Ayon sa PRO2, ang suspek ay tinaguriang top most wanted person na carnapper sa buong rehiyon.

Sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Andrew Dulnuan ng Regional Trial Court Branch 31 sa Cabarroguis, Quirino, dinakma si Cadauan sa Sitio Cusili, Brgy. Salvacion, Echague ng pinagsanib na puwersa ng Regional Highway Patrol Unit 2, Echague Police, Regional Intelligence Division 2, at Aglipay Police.

Nakuha ng mga awtoridad sa Sitio Catao, Brgy. Buringan, Paracelis, Mt. Province ang isang Mitsukoshi Euro Racer 110 na motorsiklo na ninakaw umano ng suspek noong Enero 11, 2016. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.