Abante Tonite Interactive

No. 1 most wanted sa Bulacan, 31 pa nilambat

191

Umabot sa 32 suspek sa iba’t ibang kaso kabilang ang Bulacan No. 1 Most Wanted Person (MWP) ang nadakip ng Bulacan PNP makaraang paigtingin ang anti-crime drive sa lalawigan kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni Police Col. Emma Libunao, acting Provincial Director ng Bulacan Provincial Police Office, nakilala ang nahuling No. 1 MWP dahil sa kasong carnapping na si Randy Timoteo na nakorner ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan Provincial Highway Patrol Team (PHPT) at 2nd Provincial Mobile Force Company ng Bulacan PNP.

Nabatid na kabilang sa sampung nadakip ay nakorner ng Tracker Team ng PNP sa San Miguel, Malolos City, Dona Remedios Trinidad (DRT) at San Ildefonso. May mga kasong kinakaharap ang mga ito tulad ng murder, robbery, concubinage, theft at physical injuries. (Jun Borlongan)