Abante Tonite Interactive

No. 1 most wanted sa Camanava area, nalambat ng pulisya

250

EDISON REYES

Wala namang ulat na inilabas ang DSOU sa pagkamatay ng miyembro ng Demon Gang na si John Chrisford bagama’t malaki ang posibilidad na ang ka­labang grupo ang nakabaril sa kanya.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng tanggapan ni P/Lt. Melito Pabon, ang officer-in-charge ng DSOU, lumitaw na ang tumata­yong lider ng Demon Gang na si Louei Jay Rarugal o kilala sa bansag na “Taweng”, kasama ang kanyang ama, na ngayon ay 52-anyos na, na si Lito at kuyang si Glenmore at iba pang kasama ang may kagagawan sa pambubugbog, pananaksak at pagbaril kay Mark Joseph o “MJ” nang gabing mangyari ang marahas na kaguluhan.

Gayunman, nanatiling matatag ang grupo ng Demon Gang dahil na rin sa suporta ng kanilang tinaguriang Ninong na si Ron O­liver De Guzman.

Bantad na ang pangalan ni De Guzman sa nakaupo noong hepe ng Caloocan police na si Senior Supt. Bartolome Bustamante dahil noong siya pa ang hepe ng Special Operation Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nasa kanilang watch list na sinasabing drug lord.

Sinabi ni Col. Bustamante na bukod sa CIDG, nasa talaan din ang pangalan ni De Guzman sa “Coplan Granger” ng Camp Crame kaya’t batid nila ang pagkakasangkot nito sa sindikato ng iligal na droga.

Nang ilunsad ng mga tauhan ni Col. Bustamante ang pag-TUGIS kay De Guzman, naging maingat na siya sa mga transaksyon, bagama’t noong Dis­yembre 23, 2014, nagwakas din ang kanyang landas nang matunton ng pinagsanib na puwersa ng Caloocan police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Northern Police District (NPD).

Nadakip si De Guzman sa isang fast food restaurant sa Monumento, Caloocan City habang bitbit ang may 25 gramo ng shabu na kanyang ibebenta sa isang buyer.

Dahil sa pagkakadakip kay De Guzman, mistulang napilayan ang Demon Gang bagama’t nanatili ang kanilang pagkakaisa para labanan ang karibal na gang sa anumang banta na pagsakop sa kanilang teritoryo.

Matapos ang ginawang pagsisiyasat ng Caloocan Police Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) na noon ay pinamumunuan ni Chief Insp. Ilustre Mendoza, sinampahan ng kasong murder si Louei Jay Rarugal, ang kanyang amang si Lito, kapatid na si Glenmore, John Eric Ramos, Ervin Ramos at Raul Villanueva na pawang miyembro ng Demon Gang.

Nang mabigo sa kanilang depensa sa piskalya ang grupo, inakyat sa korte ang kasong murder laban sa kanila na naging dahilan upang maglabas ng warrant of arrest noong Disyembre 2015 ang Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 121.

Dito na nagtago ang Demon Gang sa pangunguna ng tumatayong lider na si Louei Jay Rarugal at mga kasamahan na bagama’t may inilunsad ng ma­lawakang pag-TUGIS ang kapulisan, nanatili pa ring buo ang kanilang samahan.