Abante Tonite Interactive

No. 1 most wanted sa Camanava area, nalambat ng pulisya

232

EDISON REYES

Nagpaunlak naman ng panayam si Taweng sa TUGIS nang dalhin siya sa custodial faci-lity ng tanggapan ng DSOU sa Langaray St. Caloocan City sa kabila ng pagtutol ng custodia­l officer.

Bagama’t malakas ang ebidensiya ng kapulisan na magsasangkot sa kanya sa mga kinakaharap na kaso, mariin pa ring ikinaila sa TUGIS ni Taweng ang mga akusasyon laban sa kanya, sa kanyang ama at kapatid at sa miyembro ng Demon Gang.

Bilang pag-trato sa patas na pamamahaya­g, minarapat ng TUGIS na pakinggan ang kanyang panig bagama’t sa dakong huli ay matitibay na ebidensiya at testimonya ng mga testigo ang mangingibabaw pa rin sa usapin.

Ayon kay Taweng, na bunso sa apat na magkakapatid, nag-ugat aniya ang mga akusasyon laban sa kanya, sa kanyang ama at kapatid nang mapatay ang kanyang kuya na si Joven John noong noong Disyembre 14 2012 ni SPO2 Vinancio Santiago.

Pinagbintangan aniya ng pulis na naninirahan din lang sa Arellano St. Bagong Barrio ang kanyang kuya ng panggugulo at pagnanakaw gayung karadating lamang aniya ng kapatid mula sa Macau kung saan siya nagta-trabaho.

Umuwi aniyang pansamantala ang kanyang kuya upang kumuha ng lisensiya dahil papasok ito bilang ground crew sa airport ng Macau nang mapatay ng pulis.
Sinampahan aniya nila ng reklamo ang pulis subalit nagawang makapag-lagak ng piyansa matapos maibaba sa kasong homicide ang kanyang kaso at mula aniya noon ay ibinibintang na sa kanilang mag-aama ang mga nangyayaring pata-yan sa kanilang lugar.

Dagdag pa ni Taweng sa panayam ng TUGIS, ginagawa ng kapulisan ang akusasyon laban sa kanya, sa kanyang ama at kapatid upang hindi makadalo sa inihain nilang kaso sa hukuman para tuluyang maibasura ang usapin.

Bagama’t nakakadalo naman aniya ang 48-anyo­s niyang inang si Haziel, hindi rin niya tuluyang maasikaso ang usapin dahil kinakaila-ngang ituloy ang trabaho bilang kusinera sa Macau.

Sa naturan ding bansa aniya nagta-trabaho ang panganay nilang ate na si Liezel na katuwang din nila sa pagtustos sa usapin.

Sa ngayon aniya ay ang live-in partner ng kanyang napatay na kuya na si Mary Grace ang regular na nakakadalo sa pagdinig upang hindi maibasura ang kaso laban sa pulis.

Wala rin aniyang pagkakataon na makadalo sa pagdinig ang kanyang amang si Lito Rarugal dahil bukod sa kanya at ka-patid na si Glenmor, kasama rin ito sa kaso at may warrant of arrest ding inilabas laban sa kanila.

Inamin naman ni Taweng sa TUGIS na matapos maglabas ng arrest warrant ang hukuman laban sa kanya, nagsimula na siyang magtago bagama’t hindi naman siya lumalayo ng lugar tulad ng ginawa ng kanyang ama at kapatid.

Aniya, sa malayong lalawigan sa Samar nagtungo upang magtago ang kanyang kapatid na si Glenmore habang na-mild stroke naman ang kanyang ama sa panahon ng pagtatago sa naturan ding lalawigan.

Sinabi ni Taweng na sa panahon ng kanyang pagtatago sa batas, palipat-lipat lamang siya ng lugar sa Caloocan city subalit madalas ay nanatili lamang siya sa bahay ng kanyang kalive-in BBB (Balintawak Beer Bre-wery) sa Valenzuela city.