Abante Tonite Interactive

No. 1 most wanted sa Camanava area, nalambat ng pulisya

294

EDISON REYES

Mariin din niyang ikinaila sa panayam ng TUGIS na siya ang nakapatay kay Mark Joseph Yekla nang mangyari ang pagsasagupa­ sa pagitan ng grupo ng Sawako at Demon gangs.

Aniya, wala silang baril nang mangyari ang insidente at malinaw na mga pulis ang nakabaril sa biktima, pati na sa kasamahan nilang si Leyno.

Ayon sa kanya, magiging matibay sana ang ebidensiya na magpapatotoo na hindi siya at kanyang grupo ang nakapatay sa biktima kung hindi nasira ang close circuit television (CCTV) camera sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Hinggil naman sa kasong attempted homicide na isinampa laban sa kanya, inamin ni Taweng sa TUGIS na naroon siya sa lugar kung saan tinaga ng samurai at naputol ang dalawang daliri ng kamay ng biktima bagama’t sinabi niya na hindi aniya siya ang may kagagawan nito.

Gayunman, inamin niya na tinatangka nilang aregluhin ang kaso sa pamamagitan ng pag-aalok ng P70,000 ng kanyang ina sa biktima upang iurong na ang usapin.

Payag na dapat aniya ang complainant sa naturang areglo subalit nabigo naman siyang lagdaan ang usapan dahil hindi siya makalutang sa hukuman bunsod na rin ng nakabinbin pang warrant of arrest sa kasong murder laban sa kanya.

Paliwanag niya, rumble o kaguluhan ang pinag-ugatan ng usapin na nangyari sa Mariano Ponce St., Bagong Barrio makaraan aniyang pagtulungan ng limang kalalakihan ang kanyang amang si Lito matapos umanong mapag-tripan.

Bagama’t nasa lugar aniya siya at kapatid na si Glenmore upang tulungan ang kanilang ama, wala aniya siyang kinalaman sa pananaga sa biktima.

Naghain din aniya sila ng reklamo sa barangay laban sa mga bumugbog sa kanyang ama bagama’t nabigo silang ituloy ang kaso dahil wanted silang mag-aama sa batas.

Sa kabila ng mga ginawang pahayag ni Taweng sa TUGIS na maituturing na “self serving” o pagtatangkang mailigtas ang kanyang sarili sa usapin tulad ng normal na ginagawa ng iba pang nasasangkot sa krimen, mapagtitibay lamang niya ang kanyang mga pahayag sa hukuman na tamang lugar upang idepensa ang kanyang sari­li laban sa mga kinakaharap na kaso.

Kinakailangan lamang na mailagay din sa artikulo ang kanyang panig bilang paraan sa patas at parehas na pamamahayag bagama’t hindi ito maitururing na ligal na depensa sa hukuman upang pabulaanan ang mga akusasyon laban sa kanya lalo na’t wala naman siyang nailatag na mga ebidensiya na magpapatunay totoo ang kanyang mga pahayag.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo.

Walang krimen na hindi pinagbabayaran.