Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No. 1 most wanted sa Santa Rosa, NE nilambat

0 197

Kalaboso ang nakatalang number 1 most wanted sa Santa Rosa, Nueva Ecija makaraang maaresto noong Martes ng gabi.

Sa ulat ni Police Major George Caluad sa tanggapan ni Mayor Josefino Angeles, nakilala ang naaresto na si Maricel Gatchalian Paras, 41, ng Brgy Rizal, Santa Rosa.

Nabatid na alas-7:10 ng gabi dala nina Police MSg Ryan A De Castro, ang Alias Warrant of Arrest para kay Paras na nahaharap sa kasong illegal recruitment na inisyu noong Marso 11, 2020 ni Judge Elenita N Evangelista-Casipit, Presiding Judge ng RTC Branch 36 Gapan City, Nueva Ecija.

Bukod dito ay meron pang WOA si Paras na estafa at illegal recruitment na inisyu noong Hunyo 19, 2020 ni Judge Carmelito O Ballesteros Presiding judge MCTC Cabiao-San Isidro..

Idineretso ang naaresto sa Santa Rosa PS Female Custodial Facility. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.