Abante Tonite Interactive

No. 1 drug personality ng Masbate patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

450

Patay ang diumano’y number one drug personality ng Masbate City matapos makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sana ng search warrant laban sa kanya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Nursery ng nasabing lungsod.

Dead on-the-spot dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ang suspek na nakilalang si Gilder Mercadejas alyas ‘Gil Buang’ matapos itong makipagpalitan ng putok sa pulisya.

Sa ulat ng ipinadala ng Masbate Police Provincial Office sa Police Regional Office 5, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi
sa bahay ng suspek na nakatira sa Purok 6, Brgy. Nursery.

Abante Hiring – IT dep

Hindi pa man umano nakakalapit ang mga pulis sa bahay ng suspek ay nagsimula na silang paputukan nito dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa kamatayan ni Mercadejas.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .38 baril, tatlong sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang digital weighing scale.

Napag-alaman pa sa pulisya na ang suspek ay number one drug personality umano ng Masbate dahil sa talamak na pagbebenta nito ng iligal na droga. (Edwin Balasa)