Abante Tonite Interactive

No. 1 selyado ng Mighty Sports

9

Naungusan ng Mighty Sports ang makulit na Sta. Lucia 92-85, madali namang naipagpag ng Biyaheng SCTEX ang Foton 91-60 sa PCBL Chairman’s Cup sa Malolos Sports and Convention Center nitong Linggo.

Sa pangunguna ng 20 points ni Kiefer Ravena kasama ang 3-pointer sa pamatay na 7-0 run sa fourth quarter, kinolekta ng Mighty ang 9th win sa 10 games at sinelyuhan ang No. 1 spot sa playoffs ng torneo na suportado ng Spalding, Hahn Manila, LGR, During Barbeque and Restaurant, Ambucore at Gerry’s Grill.

Nagbaba si Bright Akhuetie ng dambuhalang 20 rebounds at may panahog na 17 points sa Mighty, tatlong games na sa unahan ng mga kabuntot na Jumbo Plastic ang SCTEX na magkaakbay sa 6-4.

Abante Hiring – IT dep

Nagkasya lang sa katiting na tatlong puntos ang bagong import ng Realtors na si Ik Akpuru, pumalit kay injured Prince Eze.

Sa 5-6 record, laglag sa No. 5 ang Sta. Lucia na pinangunahan ng 20 points ni Jett Vidal na 5 of 7 sa labas ng arc.

Limang players ng SCTEX ang nagkamada ng double figures sa pa­ngunguna ng 18 points ni Bayron Villarias. May 15 si Mark Pangilinan at 12 kay Raul Soyud.