Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No. 1 wanted sa Bohol, dinampot

0 181

Nadakip ng mga awtoridad ang isang pedicab driver na itinuturing na No. 1 Most Wanted Person ng Candijay, Bohol Municipal Police Station dahil sa kasong statutory rape sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, PBGen Antonio Yarra ang naarestong si Alejandro Lacar, 56, ng Brgy. Bagong Pag-asa, QC.

Ayon kay Masambong Police Station Station Commander PLtCol Ritchie Claravall, si Lacar ay naaresto sa kanyang tahanan alas-9:20 ng gabi (May 3), ng pinagsanib na puwersa ng Masambong Police Station, Bohol Police Provincial Office-Candijay Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group, District Special Operations Unit at Project 6 Police Station.

Hindi na umano nakapalag pa ang suspek nang isilbi sa kanya ang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Patsita Sarmiento-Gamutan, Presiding Judge ng Branch 51, Regional Trial Court, Carmen, Bohol, dahil sa kasong Statutory Rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.