Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No. 1 wanted sa Samar timbog

0 194

Matapos magtago nang walong taon ay pinosasan na sa Cavite ang sinasabing most wanted sa Northern Samar.

Ang suspek, na kinilalang si alyas “Dong,” ay naaresto sa pinagtataguan niya sa Barangay F. De Castro sa bayan ng General Mariano Alvarez noong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Dong ay may 4 count ng rape dahil hinalay umano niya ang kanyang mga anak sa Rosario, Northern Samar noong taong 2013, banggit pa ng kapulisan nitong Martes.

Samantala, sinigurado ng pulis Rosario na kanila pang tutugusin ang iba pang wanted sa naturang bayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.