Abante Tonite Interactive

No. 4 wanted sa Tarlac nadakma

By ,
423

Isang construction worker na number 4 sa listahan ng most wanted person dahil sa kasong rape ang nadakip ng pulisya makaraang salakayin ang kanyang pinagtataguan sa Barangay Aduas, Paniqui, Tarlac kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Rico Tamayo y Tabago, 32-anyos, residente ng Sitio Laoac, Barangay Aduas, Paniqui na nakadetine ngayon sa custodial facility ng Paniqui Municipal Jail. Walang inirekomendang piyansa para sa kasong kinakaharap nito.

Nabatid na bandang alas-singko ng hapon nang salakayin ng Paniqui police na armado ng warrant of arrest ang hideout ni Tamayo sa Sitio Laoac, Barangay Aduas kungsaan hindi na ito pumalag nang masukol ng pulisya.

Ang warrant of arrest ay inisyu ng Branch 67 ng RTC-Paniqui.

Tiniyak ni Police Regional Office 3 (PRO3) director, P/Chief Supt. Amador Corpus na higit pa nilang palalakasin ang pagtugis sa mga wanted na criminal sa rehiyon.