Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No Bakuna, No Rampa ikakasa nationwide

0 163

Inirekomenda ng COVID-19 response team kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad sa buong bansa ang ‘no vax, no labas’ policy na unang inilunsad sa Metro Manila para pagbawalan ang lahat ng mga hindi pa bakunado na makalabas ng kanilang mga tahanan dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa nakalipas na mga araw.

Sa ginanap na ‘Talk to the People’ noong Martes ng gabi, iminungkahi nina Presidential Adviser for Covid-19 Response Vivencio Dizon, Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force Against Covid-19 (NTF) chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., kay Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng nasabing polisiya sa buong bansa maliban na lang kung may mahalaga silang gawain na dapat gampanan sa labas ng kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Dizon na ipatutupad din ang ‘no vax, no labas’ policy kahit sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 para masiguro nila na maagapan ang pagkalat nito sa iba pang bahagi ng bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“And, Mr. President, nag-usap na po kami ni Secretary Año, ni Secretary Duque, Secretary Galvez, Secretary Lorenzana na we are recommending that this policy in NCR also be adopted by the entire country even in areas po na hindi pa nagsu-surge dahil alam naman po natin it is really just a matter of time na itong Omicron ay kumalat na sa buong bansa,” ani Dizon.

Aniya, ipinagbabawal na rin sa ibang mga bansa ang paglabas ng mga hindi pa bakunado dahil sila ang malubhang tinatamaan ng virus at nagdudulot ng muling pagsisiksikan sa mga ospital.

Nauna nang pinuri ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at pribadong sektor ang mga alkalde sa Metro Manila dahil sa matapang nilang hakbang na limitahan ang paggalaw ng mga hindi pa bakunado sa kanilang mga lungsod. (Mia Billones/ Vickay Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.