Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`No bakuna, no ride’ wa epek sa pekeng vaccine card

0 59

Dapat umanong ayusin muna ng gobyerno ang national database ng mga nabakunahan bago magpatupad ng polisiya na maglilimita sa galaw ng mga hindi bakunado.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, madaling mapeke ang mga vaccination card na bigay ng mga lokal na pamahalaan at kung mayroong gagawa ng peke nito ay mawawalan ng punto ang paglimita sa galaw ng mga hindi pa nagpabakuna laban sa COVID-19.

“And if any unvaccinated person is able to slip past the checks with a fake certificate, then the (no vaccination no ride) policy loses its point,” sabi ni Salceda.

Ayon kay Salceda, kahit na ang kanyang unang turok ay hindi pa nakarekord sa online vaccination certificate ng gobyerno.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Salceda na dapat ding tiyakin ng gobyerno na mababakunahan ang lahat ng gustong magpabakuna bago magpatupad ng anumang paghihigpit.

Iminungkahi rin ng kongresista ang pagsasagawa ng bakunahan sa mga malalaking kompanya para maaaring magpabakuna ang mga empleyado kapag break time at hindi na kailanganin na lumayo pa at mag-ubos ng mahabang oras.

Pinakamaganda aniya kung gagawin ito sa araw ng Biyernes upang makapagpahinga ang mga empleyado kinabukasan (Sabado) at Linggo sakaling makaranas ng side effect. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.