Abante Tonite Interactive

‘No Day off, No Absent’ policy sa Undas

320

Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘No Day off, No Absent policy’ sa 2,000 traffic personnel para sa preparasyon ng Undas.

Ayon sa MMDA ang itatalagang mga traffic personnel ang siyang magmamantina ng daloy ng trapiko at magsasaayos ng mga parking sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila.

Hahatakin at bubuwagin ng mga ito ang anumang uri ng traffic obstruction na makakaabala sa trapik patungo sa mga sementeryo.
Makakatulong ng MMDA ang Inter-Agency­ Council for Traffic (IACT) sa pagpapatupad ng clearing operation.

Sa direktiba naman ni MMDA Chairman Danilo Lim, simula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3 ay ipatutupad sa 2,000 traffic personnel ang “No Day off, No Absent policy”.

Awtomatiko ring suspendido ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding sa Nobyembre 1 at 2 para bigyang daan ang mga magtutungo sa mga sementeryo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad