Abante Tonite Interactive

‘No-el’ ayaw ni Gloria

By
2,008

Malamig si dating pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa panukalang pagpapa­liban ng halalan sa susunod na taon para lamang magbigay daan sa planong pag-am­yenda sa Saligang Batas.

Ayon kay Arroyo, walang tsansang lumusot sa mga mambabatas sa Kamara ang panukala ng dating liderato ng Kamara ukol sa planong ‘no-elections’ (no-el) at pagpapalawig ng termino ng mga halal na opisyal ng pamahalaan upang pagtuunan muna ng pansin ang pagbabago ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

“No, definitely I am not supporting term extension,” sabi Arroyo­.

Samantala, ipinagkibit-balikat lamang ni Arroyo ang mga tsismis at mga kritiko na ang kanyang pagkakahalal bilang pinuno ng Kamara ay panimula pa lamang ng isang malaking plano para siya ay maging Punong Ministro kapag ipinasa ng mga mambabatas sa pamamagitan ng Con-Ass ang draft Fe­deral Constitution na isinumite kamakailan ng mga miyembro ng Consultative Committe­e (Con-Com).

Pinaalalahanan ni Speaker Arroyo ang kanyang mga kritiko na ‘Presidential-Federal’ ang uri ng gobyerno na nakasaad sa Con-Com draft at wala din itong Punong Ministro taliwas sa mga kumokontra sa Charter Change (Cha-Cha).

“Look to begin with the proposed Constitution is presidential fe­deral isn’t it? So that’s black propaganda,” giit ni Ginang Arroyo.