Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘No jab, no entry’ sa Lapu-Lapu diskriminasyon – Año

0 132

Tutol si DILG Secretary Eduardo Año sa executive order (EO) sa Lapu-Lapu City na nagpapatupad ng ‘no jab, no entry’ policy, o hindi pagpapapasok ng mga hindi pa bakunadong indibidwal sa ilang establisimyento roon, dahil ito umano ay ‘discriminatory’ at ‘very prescriptive’.

Una rito, nagpalabas ng EO si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na nagsasaad na simula Agosto 25, tanging mga vaccinated individual na lamang ang papayagang pumasok sa mga public at private market sa lungsod kabilang ang mga department store, supermarket, grocery store at convenience store.

“Hindi pa napapanahon ‘yong mga ganyang policy kasi discriminatory pa rin siya at very prescriptive sa mga hindi pa bakunado,” saad ng kalihim sa isang panayam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyang-diin ni Año na sa ngayon ay kulang pa ang suplay ng bakuna sa bansa at hindi pa naaabot ang ‘population protection’ dahil nakapokus ang pagbabakuna sa mga piling lugar at inuuna ring bakunahan ang mga taong pinakabulnerable sa virus.

Tiniyak naman ng DILG chief na nakikipag-ugnayan na siya kay Chan upang plantsahin ang kautusan.

“Para sa akin, huwag nating i-discriminate ‘yong hindi bakunado. Bakunahan natin sila. Maraming paraan para sila ay maengganyo.” (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.