Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No More Biritan

0 85

Likas sa mga Pilipino ang pagkahumaling sa pagkanta. Sa bawat pagtitipon, hindi nawawala ang videoke. Mapa-binyagan, birthday, kasalan o maging sa lamay – may kantahan. Oras na mahawakan ang mikropono, sure akong wala nang bitawan.

‘Yan ang dahilan kung bakit ipinapanawagan ngayon ng DILG sa mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansang magbabawal sa paggamit ng videoke o anumang amplified audio devices sa gitna ng umiiral na community quarantine.

Dahil walang face-to-face classes, blended learning ang teaching approach ngayong academic year. Ibig sabihin, online at modular ang sistema ng pag-aaral ng mga bata. Hindi naman kailang abala talaga ang ingay na dulot ng mga nagvivideoke sa mga estudyanteng nasa ilalim ng online classes.

SM food to go Banner Ad

Bukod diyan, marami sa ating kababayan ngayon ang naka-work from home status pa rin. Ibig sabihin, sa bahay nagtatrabaho.

Dito sa Cavite, noon pang 2017 may umiiral na ordinansa kaugnay sa paggamit ng videoke. Inamyendahan lang ito ngayong may COVID-19 pandemic. Pahihintulutan lang mag-videoke mula 5pmhanggang 8pm. Bago o pagkatapos ng time duration, bawal na. Bukod sa multang P1,000, puwede ring makulong nang hanggang isang buwan ang mahuling lalabag dito.

Simple lang ito – sino ba naman ang may gustong umabot pa sa asunto ang pagkahumaling sa pagkanta? Ang sa akin lang, bigyan natin ng tahimik na kapaligiran ang mga estudyanteng nag-o-online classes at mga empleyadong naka-WFH. Respetuhin natin ang karapatan nila.

Kaunting sakripisyo lang para sa ating kapwa. Di maglalao’y matatapos din ang pandemyang ito at babalik tayo sa normal nating pamumuhay. Tiyak ako – mahahawakan din natin nang matagalan ang mikropono para sa walang humpay na biritan. Kapit lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.