Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No play, no pay iiral sa PBA

0 263

Hindi maiiwasan na maipatupad ng PBA ang bagong rule na ‘Acts of God’ kung biglaan at muling maganap ang lockdown bago magsimula o habang ginaganap ang mga laro sa nakatakdang bukasan sa May o June na 46th season.

Ayon kay Commissiioner Willie Maricial nitong Martes, maliban sa 20% salary cut ipatutupad ng 12 team, hindi rin mapipigilan ang napagkasunduang ‘Acts of God’ kung patuloy na tumaas ang Coronavirus Disease at muling matigil ang liga.

SM food to go Banner Ad

“Iyun nga ang sinasabi natin dahil sa mga ganoong situwasyon ‘no play, no play’ ang mga player. Kasi iyun ang nakalagay. Acts of God nga ang situwasyon, hindi natin sigurado ang kalusugan at safety ng lahat,” esplika ng opisyal.(Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.