Abante Tonite Interactive

No sa nationwide Martial Law

7

Dear Sir,

Sang ayon ako sa pa­nayam kay BGen. Padill­a ukol sa Nationwide Martial Law. Tama nga naman na hindi na natin kaila­ngan ng Nationwide Martial Law at doon na lamang ipatupad sa mga lugar kung saan mas may nanga­ngailangan upang ng sa gayon naman, maramdaman pa rin nila kahit papaano ang kalayaan. Dahil kung idedeklara ang Nationwide Martial Law hindi naman maipagkakaila na kung minsan hindi maiiwasan na ang ibang nasa kapangyarihan ay inaabuso ang kapangyarihan dahil sila ang nasa posisyon. Kaya sa aking palagay, NO for a Nationwide Martial Law dahil hindi pa rin magkakaroon ng tunay na kaayusan kung magkakaroon ng malawakang martial law sapagkat alam na­ting ­lahat na maraming buwaya at ­ganid sa kapangyarihan.

Mackie Lorenzo
Sto. Tomas