Abante Tonite
Mabilis sa Balita

No test, no biyahe sa Davao kinakasa

0 83

Muling ipatutupad ang negative RT-PCR result sa mga papasok sa Davao City.

Ayon kay COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, hindi pa pinal ang hakbang subalit itinutulak ng health cluster ang RT-PCR test sa mga local at interzonal travelers.

Ang “test before travel” requirement ay inalis sa mga domestic travelers matapos isailalim sa Alert Level 2 ang lungsod.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw ni Schlosser na ang ipatutupad na mandato sa airport ay alinsunod sa guidelines na itinakda ng IATF.

Hanggang nitong Enero 9 ay nasa 363 ang aktibongkaso sa Davao City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.