Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`No work, no pay’ kaya lumalabas mga tao – Villanueva

0 286

Hindi dapat sisihin ang mga tao kung bakit lumalabas na sa kanilang mga tahanan dahil kailangan nilang magtrabaho para buhayin ang pamilya, ayon kay Senador Joel Villanueva.

“Habang pinagbabawalan natin lumabas ang karamihan sa ating mga kababayan, dapat pong sapat ang tulong o ayuda ang ipinapaabot ng ating gobyerno. Napakapayak ang rason kung bakit lumalabas ang ating mga manggagawa sa kanilang mga tahanan: No work, no pay,” sabi ng senador.

Kaya hindi aniya masisisi kung marami na ang nakararanas ng tinatawag na “lockdown fatigue” lalo pa at kinakailangan magtrabaho ng mga tao para sa binubuhay nilang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.