Abante Tonite Interactive

Nobyembre 21: Pista ng Paghahandog sa Mahal na Birhen

356

Bukas ipagdiriwang ng Simbahan ang ‘Pista ng Presentasyon’ o Paghahandog ng Mahal na Birhen. Ang Pistang ito ay buhat pa sa mga bansang Silangan noong ika-pitong siglo at ito’y lumaganap sa buong daigdig sa pag-uutos ni Pope Sixtus V noong 1585. Ginugunita natin sa araw na ito ang paghahandog nina San Joaquin at Santa Ana sa kanilang anak na si Maria sa Templo ng Jerusalem.

Turo ng Simbahan, sa gitna ng mga duda ukol sa pananatili ng Mahal na Birhen sa Templo noong ito’y bata pa, nananatili ang ‘tradisyon’ na nagpapahalaga sa dalisay at tapat na pana­nampalataya ni Maria. Binibigyang diin sa pagdiriwang ang katotohanan na mula sa simula hangggang sa wakas ng kanyang buhay, nanatili ang Mahal na Birhen sa presensiya ng Diyos.

Magkapares, giit ng Simbahan ang Paghahandog sa Mahal na Birhen sa Presentasyon ni Hesus sa Templo na ginugunita tuwing ­Pebrero 2. Aminado ang mga awtoridad ng ­Iglesya na may pinagsasaligan ang mga ­kumukontra sa paniwala na nanirahan ang batang si Maria sa Templo dahil, historically, ang paghahandog sa mga bata sa Diyos ay para sa mga anak na lalaki lamang ayon sa kaugalian ng mga Hudyo.

Gayunpaman, pa­li­­wanag ng Iglesya, “Mary did not have to be physically in the temple in Jerusalem, for her own heart was an immaculate temple in which God found a worthy dwelling place. This feast, coming as it does at the end of the Church’s year, always very near the Solemnity of Christ the King, puts us in the presence of Mary as she prepares us to be fitting gifts of Christ the King.”

Sa kasaysayan, ang nasabing selebrasyon ay hango sa dedikasyon ng basilica sa ­Jerusalem sa karangalan ng ­Mahal na Birhen noong Nobyembre 21, 543. Ang nasabing ­dambana ay ­winasak ng mga ­Persyano noong 614. Bukod sa ­nasabing ‘­historical event’ ­nananatiling ­basehan ng nasabing Pista ang “Protoevangelium of James” na tumutukoy sa ­nasabing paghahandog kay Maria noong siya’y ­tatlong gulang.

Wala man sa ­Bibliya ang nasabing Pista, mayaman ang tradisyon ng Simbahan tungkol sa mga kuwento kaugnay sa buhay ni Maria na nagpapahalaga sa ­importanteng gampanin nito sa kasaysayan ng ­kaligtasan. “Though unhistorical, this feast serves an important theological purpose: it emphasizes that the holiness conferred on Mary from inception and throughout her entire life was a result of her total dedication to God!” giit ng Iglesya.

Sa araw na ito karaniwang ginagawa ang pagsasariwa ng ­pangako sa Diyos ng mga namanatang relihiyoso o “­consecrated persons” ng ­Simbahan, ­bilang ­parangal at ala-ala ng pag-aalay ng ­Mahal na Birhen na huwarang lingkod ng Diyos. Katulad ni Maria, lagi nawa nating ialay ang ating puso at isip sa Panginoon. Sa paghahan­dog na ito, mapupuno ng biyaya ang ating buhay pati na rin ang ating mga minamahal.