Abante Tonite Interactive

Nobyembre 8 mamarkahang Typhoon Yolanda Resiliency Day

By
0 137

Abot-kamay na ang pagsasabatas ng panukala na magdedeklara sa Nobyembre 8 kada taon bilang special non-working holiday o Typhoon Yolanda Resiliency Day sa Eastern Visayas.

Lusot na sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukala.

Nagpasalamat si Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez sa pag-akto ng Senado sa ­panukala.

Si Romualdez ang nag-akda ng House Bill (HB) No. 6591 (Typhoon Yolanda Resiliency Day in Eastern Visayas) habang si Sen. Sonny Angara naman ang nagkamada sa bersyon ng Senado.

“From the bottom of my heart, I thank all the senators for their malasakit, kindness and ­generous support in ensuring the passage of the Yolanda Commemoration Day,” pahayag ni Romualdez.

Dahil mamarkahan bilang holiday ay walang pasok sa eskuwelahan at mga tanggapan sa nabanggit na lugar.