Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NoCot police chief todas sa hinabol na suspek

0 287

Patay ang chief of police ng bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato matapos na mabaril ng hindi pa kilalang suspek sa naganap na hot pursuit operation Martes ng umaga.

Isinugod pa sa pagamutan si P/Maj. Joan Ressureccion, subalit nasawi rin ito dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa inisyal na ulat, nakatanggap ng ulat ang Carmen MPS hinggil sa pamamaslang sa isang foreign national sa Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Agad na rumesponde ang mga miyembro ng pulisya sa pangunguna ni Ressureccion at agad na nagsagawa ng pagtugis laban sa suspek.

Subalit pagsapit sa Quarry Site, Sitio Tawan-Tawan sa nasabing barangay ay nabaril ng suspek ang biktima.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang follow up operation ng pulisya para sa posibleng pagdakip sa suspek at mapanagot sa ginawang krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.