Abante Tonite Interactive

Noel Ferrer: Atom, isinuko na si Pia kay Doc Mike

7

HAVEY: Nagwagi ng dalawang awards sa ­Gawad USTV ang batikan at mahusay na batang broadcast journalist na si Atom Araullo.

Atom Araullo
Atom Araullo

Despite a long day yesterday, tumuloy si ­Atom sa UST Plaza ­Mayor para tanggapin ang kanyang awards ­bilang pagpapahalaga sa pagkilala sa kanya ng mga estudyante ng UST.

“Salamat sa suporta ng aming audience, ang mga estudyante na sana’y lagi naming kaisa sa pagbuo ng makabuluhang panoorin,” sabi ni Atom.

Bukod sa kanyang Current Affairs show na Red Alert, abala si Atom sa paggawa ng kanyang photojournalism book.

“May mga initial meetings na, at sana mailabas na ito this year talaga. Sana rin, marami ang maka-appreciate ng photos ko para pagkatiwalaan nila akong gumawa ng kanilang calendars at photo displays,” sabi ni Atom na noon pa ma’y mahilig nang magku­kuha ng litrato.

Nang tanungin kung meron na ba siyang ­photo ni Miss Universe Pia Wurtzbach, ­napangiti ang news anchor.

Aniya, “Masaya ako para sa ­kanya, maligaya at nananahimik na ­siya.”

Matatandaang nili-link ng ­PIATOM supporters ang dalawa hanggang sa makahanap si Pia ng kalinga sa Sexiest Doctor Alive na si Doc Mike.

Nang hingan si Atom ng reaksyon ay tanging, “Awat na, I’m happy for our Miss Universe,” ang nasabi niya.

As expected, these are busy times in the newsroom.

Naka-assign si Atom sa eleksyon sa Tacloban sa ­darating na araw.

***

WALEY: Birthday bukas ng aming mahal na VP candidate Leni Robredo. Inaasahang dadalo ang kanyang mga kaibigang taga-showbiz para sorpresahin at batiin siya.

Mahalaga ito para kay Cong. Leni dahil hindi siya (at wala siyang kakayahang) magbayad ng artistang endorsers, ‘di tulad ng ibang kandidato.

Kaya lubos ang pasasalamat ni Cong. Leni sa mga sumasama sa kanyang pag-iikot tulad nina Enchong Dee, Tutti Cari­n­gal, Jim Paredes, Noel Cabangon, Dingdong Dantes, Marian Rivera at iba pa kahit na walang kapalit.

Ngayong birthday niya, more and more artists have expressed their greetings and support.

Kasama na rito sina Governor Vilma Santos, ­Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Lea Salonga, Kris Aquino, Audie Gemora, The Company, Celeste Legaspi, Gary Valenciano, Agot Isidro, atbp.

Inaasahan ang iba pang tagasuporta ni Cong. Leni na dumalo sa pagtitipon bukas sa pag-iikot niya sa Montalban, Rizal sa kanyang kaarawan.

“Ganyan tayo, working birthday, kasi ­kailangan talaga nating maabot pa ang mas marami pa nating mga kababayan,” sabi ni Cong. Leni.

“Konting tumbling na lang…”

Teka, mula sa MEME na lumabas, may Leni Santos ding tinutukoy sa posts.

Nasaan na ba si Leni Santos? Matanong nga kay Rey “PJ” Abellana ng D’ Punks!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at ­@iam­noelferrer.