Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nograles bagong Civil Service chairman

0 110

Pinanumpa na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles bilang ad interim chairman ng Civil Service Commission (CSC).

Ito’y matapos pirmahahan ni Duterte ang appointment paper ni Nograles noong Marso 4 kung saan ay itinalaga ito sa bagong puwesto kapalit ni CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala na nagretiro sa serbisyo noong Pebrero 2, 2022.

Sa Pebrero 2029 naman matatapos ang termino ni Nograles bilang o nitong puwesto sa CSC.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa pagiging acting presidential spokesperson, si Nograles din Secretary to the Cabinet at opisyal na tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa kanyang text message sa mga reporter, sinabi ni Nograles na awtomatikong bakante na ang mga hinawakan niyang puwesto matapos ang panunumpa kay Pangulong Duterte nitong Lunes ng hapon.(Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.