Noli tameme sa pagsasara ng ABS-CBN

3,600

Tahimik sa isyu ng umano’y pagsasara at hindi pagre-renew ng prangkisang mag-operate ng ABS-CBN ang “TV Patrol” anchor na si Noli de Castro.

Maraming netizen ang nagtataka sa pananahimik ng dating Bise Presidente ni GMA sa banta ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ii-extend ang franchise ng nasabing network for another 25 years.

Hindi tuloy mawari ng madlang pipol kung saan ba talaga ang saloobin ni Kabayan sa nagbabadyang closure ng numero unong TV station sa bansa.

Sa ngayon, ilan nang mambabatas ang naghain ng panukalang i-renew ang franchise ng ABS-CBN subalit hindi pa ito natatalakay sa Mababang Kapulungan.

Ilang celebrities na contract stars at mga empleyado rin ang network ang nababahala kung sakaling matutuloy ito.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mag-e-expire by March 2020. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...