Abante Tonite Interactive

Nominasyon bilang Chief Justice tinanggap na ni De Castro

By
1,613

Humabol sa huling araw ng deadline para sa aplikasyon si Associate Justice Teresita Leo­nardo de Castro matapos nitong tanggapin ang nominasyon sa kanya para sa posisyon ng Chief Justice (CJ).

Nabatid sa impormasyon na nakuha sa Supreme Court (SC), tinanggap umano ni De Castro ang awtomatikong nominasyon na binakante ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Si De Castro ay kabilang sa limang most senior justices sa SC at awtomatikong nominado sa SC CJ post.

Nabatid na si Retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino ay ini-nominate rin si De Castro at ang iba pang SC Associate Justices sa posisyon.

Matatandaan na si De Castro ay ini-appoint noong 2007 ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Si De Castro ay kabilang din sa walong Associate Justice na bumoto para matanggal si ­Sereno bilang Punong Mahistrado.

Nalaman na nagkasigawan pa si De Castro at Sereno noong oral arguments kaugnay sa quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida.