Abante Tonite Interactive

Nominee burado sa party-list ads

439

Number one nominee siya ng isang party-list organization kaya’t kung makakakuha ng sapat na boto ngayong May 13 midterm elections ay siya ang magiging kinatawan sa Kamara.

Pero ano itong nasagap na balita ng Tonite na hindi raw nilagay ang mukha ng nominee sa kanilang advertisement at mga sticker.

Bagkus ang second nominee ang pinalagay sa ads at sticker dahil mas kilala ito nationwide kumpara sa first nominee.

Siyempre, nagalburuto itong si first nominee lalo pa’t mapapahiya siya sa kanyang mga kaibigang politiko.

Wala rin siyang nagawa dahil malakas ang backer ng se-cond nominee na sumapaw sa kanya sa ads.

Clue: Hindi masyadong kilalang ang first nominee pero ang organisasyon niya ay may letrang L as in Loser.