Abante Tonite Interactive

Nonay itataya korona kay Saka

229

Sasabak sa mainit na bakbakan si Joe ‘Jaw Breaker’ Nonay kontra Kosuke Saka ng Japan para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific super title sa darating na Abril 20 sa Edion Arena sa Osaka, Japan.

Nadepensahan ng 23-anyos na si Nonay (15-2-1, 5 KOs) ang kanyang WBO Asia Pacific Youth super featherweight crown kontra Qixiu Zhang ng China via technical knockout (TKO) noong nakaraang taon sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Napabagsak din ni Nonay ang kapwa Cebuano na si Junny Salogaol via unanimous decision noong Dis­yembre 2018 sa Elorde Sports Complex sa Parañaque.

Bitbit ngayon ni Nonay ang WBO Asia Pacific Youth super featherweight at ang World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council Silver super featherweight belts.

Samantala, ang 27-anyos na si Saka (18-4, 15, KOs) ay pinatumba ang Indonesian na si Gusti Elnino sa second round palang noong Hulyo 2018.
Nanalo rin ito kontra Masanori Rikiishi noong Abril 2018 sa Nagoya via technical knockout. (Fergus E. Josue, Jr.)