Abante Tonite Interactive

Nonie ‘di maka-move on sa anak na nagpatiwakal

546

Hanggang ngayon, hindi pa rin tulu­yang nakaka-move on si Nonie Buencamino sa pagkamatay ng kanyang bunsong si Julia na nagpatiwakal noong 2015.

“Hindi naman ganoon kadali iyon,” sey niya. “Lahat naman tayo, kapag nawalan tayo ng mahal sa buhay lalo pa’t miyembro siya ng pamilya mo, nagiging bahagi na ng pagkatao mo. So, may part sa atin na parang namamatay din at hindi na iyon mawawala,” paha­yag ni Nonie.

Sey niya, malaking tulong daw ang pagkaka-involve ng asawang si Shamaine sa Julia Buencamino p­ro­jec­t para makapag-reach out sa mga taong may pinagdadaanang depresyon o mental illness tulad ng bunso nilang namayapa.

Abante Hiring – IT dep

“We go out sa mga schools at sa mga iba’t ibang organization to talk about the importance of mental health kasi naranasan namin dahil itinago siya sa amin ng anak namin,” paliwanag ni Nonie.

Ngayon daw, n­aging mas close raw sila sa kanilang mga anak pagkatapos ng nangyari. (Archie Liao)