Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nonito inisnab si Casimero

0 283

IBA ang nasa kukote ni four-division world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire sa gustong makasagupa pagkatapos ng laban niya sa Disyembre.

Nakaraan lamang ay naghayag si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na nais nitong makaharap ang kababayang si Donaire.

Pero may plano si Donaire at hindi kasama si Casimero sa kanyang radar.

Nakatakdang labanan ni Donaire si Nordine Oubaali ng France sa Disyembre 12 sa Mohegan Sun Casino Uncasville sa Connecticut.

Pakay ni Donaire na agawin ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title na kasalukuyang hawak ng French boxer.

At pagkatapos ay babalik si Donaire sa super flyweight (115 pounds) para sikwatin ang titulo bago umakyat sa 130-pound weight class.

“I still want to go back down to 115 and get a title there and then go up to 130. I can do that,” saad ni Donaire sa interview ng BoxingScene.com.

Makakalaban ni Donaire dito si reigning World Boxing Association (WBA) super flyweight champion Roman Gonzalez ng Nicaragua. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.