Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nonito negatibo na sa COVID-19

0 197

UMAASA pa rin si Pinoy fighter Nonito Donaire na matuloy ang naudlot na upakan nila ni Puerto Rican Emannuel Rodriguez.

Napabalitang napa-withdraw sa laban si ‘Filipino Flash’ sa nilulutong bout matapos itong magpositibo sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero nilinaw nito na nasa maayos na kondisyon na siya at mabuti na ang kalagayan matapos gumaling at mag-negatibo na rin siya sa naturang virus.

“We asked for a confirmatory test to make sure I was positive. They said NO. So I had to pay to get one done,” saad sa Twitter post ni 38-anyos boxer kasama ang litrato ng kanyang negatibong swab test result.

Sa ngayon ay si Reymart Gaballo na ang papalit sa nabakanteng posisyon ni Donaire kontra Rodriguez. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.