Abante Tonite Interactive

Nonoy, USTe hihirit sa Game 2

297

Aangkinin ni rookie Mark Nonoy at Sto. Tomas Growling Tigers ang Game 2 Finals ng UAAP ­season 82 men’s basketball tournament 2019 laban sa ­rumaragasang Ateneo Blue Eagles, Miyerkoles sa SM Mall of Asia Arena.

Eentra ng Pasay City venue ang USTe na nais ­masungkit ang unang panalo sa pang-apat na ­pakikipagtuos sa ADMU sa alas-kuwatro nang hapong duwelo, para mabuhay pa at maka-puwersa ng winner-take-all Game 3.

‘Di naging maganda ang resulta para sa Espanya-based dribblers sa opener nitong Sabado na kinopo ng mga Atenista, 91-77.

Kapos ang 26 points ni Nonoy, 14 ni Brent Paraiso, at 13 ni Souleman Chabi Yo para sa Tigers.

“I told the players that we just have to handle this loss the right way. That means going back to our videos and titignan namin kung ano ‘yung mali. We have to correct them. We have three days to prepare for Wednesday,” giit ni Aldin Ayo.

Hinirit pa ng coach ng UST, “Finals is a ­different atmosphere. But as I told you, we have to be ­patient. Whatever it is, you can’t blame the players. Trabaho ng coaching staff to simulate things. Sa abot ng makakaya namin, we are going to do that. Pero ‘yung mga players, they did everything that they could. Hindi lang talaga lumabas yung laro.”

Pinangunahan naman ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ang mga basketbolista ng Loyola Heights sa 32 points, Angelo Kouame na may double-double performance na 18 markers, 12 boards, at SJ Belangel na may 12 pts. para sa reigning champions. (­Janiel Abby Toralba)