Abante Tonite Interactive

Nora ayaw magpaka-praning sa NcoV

613

Matipid ang sagot ni Nora Aunor nang matanong tungkol sa mainit pa ring pinag-uusapan na franchise problem ng ABS-CBN.

“Ay naku, ako’y walang ano… nasa gobyerno ‘yan eh, na sila ang dapat na kung ano ‘yung desisyon nila, siyempre irerespeto natin kung anuman ‘yung maging desisyon nh bawat isa, ng bawat panig at mapagkakasunduan. Irespeto natin.”

‘Yun lang ang tanging nasabi ni Ate Guy, na masaya ngayon sa kanyang trabaho at hindi pinababayaan ng Kapuso network.

Cute ang sagot ng Superstar nang tanungin naman siya tungkol sa kinatatakutan ngayong Coronavirus na marami ang nag-aalala at napapraning.

Paano kaya ang ginagawang pag-iingat dito ni Ate Guy?

“Wala. Ha! Ha! Ha!” tawa niya.

Talaga, hindi siya takot sa virus?

“Hindi naman, wala. Ganu’n ako, eh. Ewan ko,” natatawa pa ring sey ng premyadong aktres.

Kamusta na ba ang kalusugan niya ngayon? Kasi, puwedeng maka-delay sa taping nila kapag masama ang pakiramdam niya, ‘di ba?

“Ay actually, kahit na masama ang pakiramdam ko, talagang taping. Hindi ako nale-late.

“Never akong na-late sa taping namin, sa schedule. Ahead pa kami ng ano… halimbawang 7:00 (ang calltime), 6:30 nandu’n na kami o bago mag-7, nandu’n na kami”.

Medyo okey na raw naman si Ate Guy, kaya lang minsan ay sinusumpong siya ng kanyang asthma.

Mana raw kasi siya sa nanay niya at hindi na raw nawawala ‘yung hika niya na ‘yon.

Bilang Valentine’s na bukas ay natanong si Ate Guy kung meron pa ba siyang lovelife.

“Ako? Wala na, wala na. kayo ang Valentine’s ko!” nakangiting pakli niya.

Nagpapasalamat ang Superstar na may bago siyang primetime teleserye na remake ng isa sa mga sikat niyang pelikula nu’ng late ‘80s.

Makakasama niya rito sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Jane, RK magka-date sa V-day

Tulad ng ibang Kapamilya stars ay lalaban daw sina Jane Oineza at RK Bagatsing para sa home network nilang ABS-CBN, na ngayon ay tila namemeligro ang lagay dahil sa isyu ng franchise renewal nito.

Sabi ni Jane, “Siyempre po, nakakalungkot, pero laban tayo. ‘Yun lang. Laban tayo.”

Since 6 years old ay nasa ABS na pala si Jane, so mga 18 to 19 years na siyang Kapamilya.

Si RK ay 5 years na sa ABS at kaka-sign lang daw niya ng kontrata rito.

“Nakakalungkot, pero siyempre, I side with the family, sa Kapamilya na lalaban tayo. Hopeful tayo for a good ending,” sey ng morenong aktor.

Sa presscon kahapon ng Regal Films movie na “Us Again”, once and for all ay nilinaw nina Jane at RK na hindi naging sila before.

Nagkasama sila sa Kapamilya seryeng “Araw-Gabi”, pero may mga karelasyon daw sila nu’ng time na ‘yon.

Ngayon ay mukhang puwede na silang i-push sa isa’t isa dahil single na pala si RK simula last year at si Jane naman ay loveless din.

Girlfriend material daw si Jane, sabi ni RK. Ideal girl daw ito at marami raw may crush dito, kasali na siya.

Boyfriend material din daw si RK, sey ni Jane. Base sa mga pinagsamahan nila ay mabait daw ito, maalaga, hunk at may abs.

Silang dalawa pala ang magka-Valentine’s dahil may trabaho sila at may promo sila ng “Us Again”.

In fairness ay natuwa ang fans nila na RKane na meron silang movie together.

May intimate scenes ang RKane sa pelikula at binigay daw nila pareho sa eksena.

Komportable raw si Jane kay RK, so hindi siya nailang sa love scenes nila.

Binigay din ba ni RK?

“Binigay ko rin. Bigay lang nang bigay! Ha! Ha! Ha!” tawa nito.

Sa February 26 ang showing in cinemas nationwide ng “Us Again” na dinirek ng commercial director na si Joy A. Aquino.