Abante Tonite Interactive

Nora dedma kay Lotlot

By
2,432

tonite-imo-vinia-vivar‘Little Nanay’ pa ang huling teleserye na ginawa ni Nora Aunor sa GMA-7 kaya naman masaya siya na muli siyang binigyan ngayon ng Kapuso network ng bagong drama series, ang ‘Onanay’ kasama ang newcomer na si Jo Berry.

Dumalo si Ate Guy sa grand presscon ng Onanay na ginanap last Thursday night at sey nga niya, iba naman daw ito sa unang serye niya although pareho lang ang role niya na isang ina.

“Sa Little Nanay, happy-happy lang, ‘yung sa mga anak, pero dito kasi, may mga nangyari sa anak ko, kay Onay (Jo), so ako ‘yung taga­pagtanggol at maraming mga eksenang kakaiba kaysa sa una kong ginawa,” sey ni Ate Guy.

Natanong nga ang Superstar kung favorite network ba niya ang GMA-7 since rito siya lagi gumagawa ng teleserye at aniya, “Hindi naman po, nagkataon lang na dito ako nagkakaroon ng teleserye, dito ako kinukuha, tapos na rin kasi ang kontrata ko sa TV5. So, ano naman, lahat naman ‘yun, kung sakaling may pagkakataon na makagawa sa kanila ng mga malalaking projects, bakit hindi?”

When asked kung kumusta namang katrabaho si Jo Berry at agad niyang sagot, “Ay magaling si Jo Berry. Maga­ling.Talagang sumasabay.”

Well, kahit kami naman ay napabilib ni Jo Berry sa trailer pa lang. At tama naman talaga ang sabi ng Superstar na nakakasabay ito pagdating sa aktingan.

Magsisimula na ang Onanay ngayong August 6 sa GMA Telebabad mula sa direksyon ni Gina Alajar. Kasama rin sa stellar cast sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Gardo Versoza, Wendell Ramos, Adrian Alandy, Rochelle Pangilinan, Enrico Cuenca, Vaness del Moral and Miss Cherie Gil.

Samantala, someone asked kung pwedeng magtanong about Lotlot de Leon at magalang namang tumanggi ang Superstar.
“Ay, sorry po, pero hindi po kami nagkikita sa ngayon. Salamat po,” ang maikling sagot ni Ate Guy at hindi na rin naman siya kinulit ng press about it.

 

Rochelle pinagpawisan kay Ate Guy

Fan na fan pala ni Ate Guy si Rochelle Pangi­linan kaya dream come true raw para sa kanya ang makasama siya sa seryeng Onanay.

Nagkakuwentuhan na nga raw sila sa set at sinabi niya talaga sa Superstar na avid fan siya nito.

“Hindi ko naman itatago na nu’ng first scene namin ay talagang natutulala ako sa kanya and tinitignan ko talaga siya na “oh my gosh, si Nora Aunor na ‘yung kaharap ko. Oh my gosh, kaeksena ko siya, tama ba ‘to? Oh my gosh!” Ganu’n talaga,” kuwento ni Rochelle.

Sa sobrang pagka-happy nga raw niya, first time niyang ginawa na nag-record siya ng eksena nila.

“Nag-record ako ng scene namin with her. Sa gabi, pinapanood ko siya. Pinagmalaki ko siya sa mga tita ko, sa nanay ko, kasi sobrang avid fan siya ni nanay.”

Ang first scene raw nila ay prusis­yon sa kalsada at talagang pinagpapawisan daw siya.

Ginagampanan ni Rochelle ang papel ni Sally na best friend ni Onay (Jo Berry) na anak ng karakter ni Ate Guy kaya naman lagi raw niyang kaeksena ang Superstar.

Nagkuwento nga rin daw si Ate Guy sa kanya ng buhay nito at sobrang kinilig daw siya. Every taping daw ay nilu-look forward niya na makaeksena ang superstar at tine-treasure niya ang bawat scene nila.

Samantala, ito ang first teleserye ni Rochelle matapos siyang ikasal sa mister na ngayong si Arthur Solinap. Napanood siya sa Alyas Robinhood pero guesting lang naman daw ‘yun.

Tinitingnan namin ang tummy ni Rochelle dahil baka preggy na siya pero, aniya, ay wala pa raw at darating naman daw ito in God’s perfect time.

“Sabi namin, kung mabubuntis ako, alam ko bigay Niya ‘yun, bigay ni God ‘yun. Alam naman natin na blessing talaga ni God ‘yun. Hindi rin naman kami nag-iingat, hindi kami gumagamit ng mga contraceptives, pero kaming dalawa, eh, kung ibibigay talaga Niya, ibibigay Niya ‘yun,” she said.