Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora ‘di pinaasa ni Nina

0 137

Buong ningning na sinabi ni Cong. Nina Taduran na hindi niya pinaasa na maging National Artist si Nora Aunor.

“In my case po kasi, ako ay isang taga-Iriga City. Kababayan ko talaga si ate Guy. Kaya naman po ako nag-file ng house resolution, kasi hindi mo naman puwedeng maisabatas. I’m just reiterating na she is deserving for that title na national artist. Why? She’s an icon regardless na lang sa personal character, kasi ang criteria naman doon… dapat ba hindi ka na-involve sa drugs?Ang pinaka-criteria naman doon ay magaling siya sa acting, singing, nagka-award internationally hindi mo matatawaran. ‘Yung prestige na ‘yun, ‘yung honor na ‘yun na dinala niya sa ating bansa, hindi lang ba natin ma-recognize?

“Hindi po ‘yun sa pagpapaasa.Kumbaga, ako bilang isang mambabatas, I file house resolution for that. Nirekomenda ko lang sa NCCA na i-nominate n’yo siya parang ganoon. Pero automatic naman pala ang nomination.

“Hindi po ‘yun pagpapaasa kumabaga ina-acknowledge ko lang ‘yung kanyang kakayahan bilang isang artista at mang-aawit,” paliwanag niya.

Samantala, maituturing din si ACT-CIS Partlylist Representative Nina Taduran na darling ng mga media.

Nakapasa na sa third and final reading ng kongreso ang Media Workers Welfare Act, ang legacy bill ng ACT-CIS . Wish din niya na mabilis itong makalulusot sa Senado at mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Balitang nangako naman ang Senate President na si Tito Sotto na ia-adapt ng upper chamber ang bill na ipinasa ng kongreso para lalong mapabilis ang pagsasabatas ng historical bill na ito para sa media workers in print, TV and radio.

“Wala nang makapang-aabuso sa mga manggagawa sa media kapag naging ganap nang batas ang Media Workers Welfare Bill,” aniya.

Pinag-aaralan din kung kasama sa nasabing batas ang online media.Pinag -aaralan nila kung paano maisasama sa IRR (Implementing Rules and Regulations) ang mga nasa online para maging patas sa lahat.

Saad pa ni Cong. Nona naranasan din niya noon na maging talent sa radio na kung saan ay hindi siya nakatanggap ng regular na suweldo at benepisyo.

“Tapos na ang panahong walang kasiguruhan ang isang taga-media sa kanyang trabaho.Hindi na puwedeng abusuhin ang kanyang kakayahan at karapatan.Hindi na rin siya puwedeng takutin na tatanggalin kahit anong oras,” saad niya.

“Hindi na rin ipapaubaya sa kapalaran ang buhay ng isang mediaman dahil bibigyan siya ng proteksyon sa laban.Magkakaroon siya ng tamanag gamit, mababayaran ng tama,at may insurance para sa kanyang delikadong gamit,” sambit pa ni Cong. Nina.

Leave A Reply

Your email address will not be published.