Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora garapalang binabastos

0 2,652

Sabi nga ni direk Jay Altarejos: “When you come up with a GREATEST LIST, the only qualifier for one to be included is being great. A list of GREATEST FILIPINO ACTORS without the great NORA AUNOR is a shit list.” Ito ay isa lamang sa mga ipinahayag tungkol sa listahang kontrobersyal na kinapopootan at kinasusukluman ng mga Noranian.

Bagamat may mainam na pagkakasulat at paliwanag tungkol sa mga hinirang na pinaka-dakilang aktres, garapalan ang pambabastos at pang-iinsultong ito para nag-iisang Superstar.

Sa totoo lang tayo, paano mo masasabing “dakila” at sakdal husay sa kanilang pagka-aktres ang mga tulad nina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo? Katanggap-tanggao ba ang kanilang best in written English na paliwanag?

Hindi rin kasalanan nina Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo na maisama sa dakilang aktres list, tulad rin nina Gonzaga at Geronimo, pero mananalig ba kayo na ang tulad ng dalawang mga komedyanteng ito na paminsan-minsay ay nagbibigay buhay rin sa mga katauhan sa dramang pelikula, eh sapat ang brillo at galing para hindi mailagay si Aunor sa listahan?

Oo, may caveat ang pamunuan na “choices” nila ito at pinaninindigan nila ang kanilang mga pinili. Pero, hindi sapat ang mahahaba niyong mga paliwanag para itago ang inyong pagkakamali at pambabastos sa pinaka-dakilang aktres ng Pilipinas, ang dapat na hiranging Pambansang Alagad ng Sining Para Sa Pelikula, si Nora Villamayor.

Gerald dinurog ng aktres

Isa sa mga dalagang minsan ay minahal ni Gerald Anderson, si Maja Salvador literal na dinurog ang paging lalaki at pagkakalalaki nito.

Bakit kaniyo? Aba eh ipinamukha lang naman kasi ni Salvador sa lalaking minamahal ni Julia Barretto sa kasulukuyan kung paano ‘minalas’ ang kanyang karera nung sila ay nagpakatotoo dati sa kanilang marubdob na pagmamahalan.

Ang hanash ni Maja sa Mega Entertainment: “Dapat hindi namin pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ‘yung mahirap na sa umpisa pero parang andiyan na eh! Alam mo yung ganon? Pero alam mong nag-struggle kami dalawa, individualy. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ‘yung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”

Dapat bang kabahan si pretty miss Barretto sa nangyaring ito kay Binibining Salvador?

Kung sabagay ang mga aral naman sa relasyon, naibabahagi mo na lamang kapag tapos na ang lahat. ‘Yung panahong maligaya ka na rin at nasa magandang estado ang iyong emotional state.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang tanong, ano ang dahilan kung bakit may hanash si Maja Salvador na ganito? Pangalawang tanong, may reaksyon kaya si Ginoong Anderson tungkol dito at sasabihin na naman niya bang ang tanging kasalanan niya lang noong sila ni Salvador ay minahal niya ito? At sino pa kaya sa mga nakalipas na di na maaring balikan pa ni Gerald ang susunod na magpapahayag na “ako rin,” minalas ang karera dahil sa lalaking iyan?

Paul nakakauhaw ang pabukol

Kapatol-patol at super thirst trap ang video ni Paul Salas.

No! Wala siyang alleged sex scandal or batibot video gaya ni matinee idol na talaga namang kung siya nga ang bida, four inches when erect pala ang mahusay na aktor.

Mas bongga pa ‘yung iningungusong si Jeric Gonzales ang bida umano na may Little Mermaid backdrop.

Maikli lang ang bidyo ni Salas tight fitting na gray boxer briefs ang suot nito. At sa bahaging na-i-close up ang kanyang nether region, eh talaga namang parang nahirapan ang kanyang concealed weapon na hindi magparamdam huh.

Ang mga baklang harot nga, may argumentation and debate class na kung pwede bang ikumpara sa bayabas o santol ang testicles ni Paul na bumukol? Kung mala-mini macopa ba yung parang umusli sa undergarment niyang sinuot.

Juice colored! Ang mga baklang harot talaga pati ang mga nanahimik na mga prutas dinamay! Hahahaha!

Ang guwapo naman kasi nitong si Paul Salas at mas lalo pang nadagdagan ang kaguwapuhan nito kasi nga for a young man, buo ang loob at kumpiyansa nito sa sarili na tanging briefs lang ang suot sa video, maging sa mga pictorial.

Parang walang kaidaran niya na sing tapang niya, huh! Kaya walang reklamo ang mga harot at higad. Hindi ba naman?

Leave A Reply

Your email address will not be published.