Abante Tonite Interactive

Nora at Lotlot, bongga pag pinagtabla sa Star Awards

By
Nora Aunor
16

Kung isa sa mga Santos ang magwawagi bilang movie actress of the year, whether si Charo para sa Humayo, si Ate Vi para Everything, o si Juday sa Kusina, hindi na katataka-taka at lalong hindi nakakahibang.

Pag pinagtabla sina Nora Aunor (Kabisera) at si Lotlot de Leon (1st Sem), pa-different sila.

Pag si Jaclyn Jose (Ma’Rosa) ang nanalo, ang PMPC, Cannes lang naman ang ka-level nila at pa-prestigious lalo na’t lahat ng mainstream award-giving bodies sa Pilipinas, snubbed ang Pambansang Aktres.

Abante Hiring – IT dep

Pag si Kathryn Bernardo (Barcelona) ang nagwagi, ay! True to its penchant for popular choices ang verdict.

Marami pala sa kanila ang bet na bet ang nasal delivery of lines ni Bernardo.
Panalo ang Ngongo Princess, huh?!

***

PATAPOS na ba ang Philippine awards season sa 33rd PMPC Star Awards for Movies ­bukas?

O may bubulaga pang nominees mula sa FAMAS? Kaabang-abang pa ba ‘yun o kahikab-hikab na?

Dahil diyan, narito ang Fear Factor forecast ng diva that you love! Inilabas na!
Siyam ang maglalaban-laban sa Movie of the Year Category.

Parang hindi na ako magtataka kung sa mainsteram category, ang may chance na maging best picture ay Barcelona o Everything About Her.

Bakit ang dalawa?

Wala masyadong artistic pretentions ang mga taga-PMPC, kadalasan they go by the popular choices.

O kaya, the kontrobersyal ones. Mas nasa nila na masaya ang outcome, which is not bad of course.

Subjective ang pagpili sa mga nagwawagi.

Pag nanalo ang Die Beautiful, welcome surprise ‘yun. Ang nakakatumbling, pag ang Imagine You and Me ang nagwagi, hindi ba?

For the win, Everything About Her, of course!

***

Labing-isa ang nominado sa Indie Movie of the Year. Walang duda na ang Pamilya Ordinaryo ang tatanghaling pinakamahusay na pelikula.

Ang mahigpit nitong kalaban ay ang Ma’Rosa, Paglipay at Pauwi Na.

Ang Babaeng Humayo, hindi pwede. Mas­yadong mahaba. Nakaka­bagot. Sayang ang time.

Lifetime Achievement awardee na si Ate Guy kaya ang Kabisera, malabo ang chances of winning.

Kulang sa kulo at parang matabang na ewan ko ang Kusina. Kwela raw ang Patay Na Si Hesus.

Ngayon ko lang napagtanto na may pelikula palang Tibak, The Story of Kabataang Maka­bayan. First day, first hour lang ba ito sa mga sinehan kaya hindi ko naramdaman?

***

Sa Movie Actor of the Year, ang sure na hindi magwawagi ay sina Tommy Abuel (Dagsin), Dingdong Dantes (The Unmarried Wife), JC de Vera (Best Partee Ever), Ronwaldo Martin (Pa­milya Ordinaryo), Zan­joe Marudo (The Third Party), John Lloyd Cruz (Just The 3 Of Us) at Bembol Roco (Pauwi Na).

Kapag marami ang mga nominado, gaano kaya kaigting ang mga deliberasyon?

Ang tatlong mag-eeskrimahan para sa pinakamahusay na aktor ay sina Paolo Ballesteros (Die Beautiful), Daniel Padilla (Barcelona) at Alden Richards (Imagine You And Me).

Pag si Padilla ang nagwagi, hindi na ako magtataka. Look na lang ako sa sky at thank you sa stars.

Pag si Richards ang nanalo, ay! Look na lang ako sa araw at buwan.

Pag si Ballesteros ang nag-viktoria, alam na, nagrereynang uri ang mga baks sa PMPC.

They know a queen when they see one, at talagang for the win si The Other Queen P.

***

For the win si Christian Bables (Die Beautiful) sa movie supporting actor of the year.

Dalawa ang ang pwedeng mag-upset sa kanya, si John Lloyd Cruz na bakla sa Ang Babaeng Humayo at si Xian Lim sa Everything About Her na pinaghihinalaang bakla.

Kung ibibigay sa seasoned actors na sina Ricky Davao (Dukot), Christopher de Leon (The Escort), Bembol Roco (Ringgo, The Dog Shooter) at Joel Torre (Tisay), hindi na masama.

Chai at Ana, suntok sa buwan

Ana Capri
Ana Capri

Pag si Liza Diño (Ringgo, The Dog Shooter) ang nanalo sa movie supporting actress of the year, hindi na ako mahihibang.

Tiyak na tiyak, luhaan ang mga Whistleblower women na sina Angelica Panganiban at Cherry Pie Picache.

Suntok sa buwan sina Chai Fonacier (Patay Na si Hesus) at Anna Capri (Laut).
Sure na hindi mana­nalo si Mercedes Cabral (Oro).

Ang dapat na for the win, si Merryl Soriano sa Pauwi Na.

***

Sa new movie actor of the year, sobrang deser­ving sina Ronnie Alonte at Joshua Garcia para sa Vince & Kath & James.

Ang for the win, dapat si Jameson Blake (2 Cool To Be 4gotten), kaya lang, mas popular si Garcia nowadays kaya baka si Joshua ang magwawagi.

***

Sa new movie actress of the year, baka si Marion Aunor (Tibak, The Story of Kabataang Makabayan) ang for the win.

Wala akong pana­nalig na magwawagi sina Micah Oteyza (Ringgo, The Dog Shooter), Issa Pressman (Camp Sawi), Ara San Agustin (Kabisera) atNatileigh Sitoy (Lily) dahil a quartet of The WHOs sila.

Si Laila Ulao (Women Of The Weeping River), tiyak na weeping.

Ang makakapagdabog lang sa bangs ni Marion ay si Gabbi Garcia (Laut).

Hindi ako sure kung pangmatagalan ang karera ni Gabbi kaya baka si Aunor ang magwagi.
Congrats sa mga mananalo sa PMPC Star Awards for Mo­vies.