Abante Tonite Interactive

Nora pararangalan sa 2nd Subic Bay Int’l Film Fest

466

Isa si Nora Aunor sa maituturing na superstar sa kasaysayan ng Philippine Cinema. Kaya naman siya ay napili bilang awardee ng Philippine Cinema Icon Award sa darating na 2nd Subic Bay International Film Festival.

Napili siya ng mga Festival director na sina Vic V. Vizcocho Jr. at Arlyn Dela Cruz-Bernal dahil sa kanyang natatanging kontribusyon, hindi lang sa Philippine cinema kundi maging sa buong Asya.

“Cliche as it may sound, Nora Aunor is Nora Aunor, meaning there is no one who can equal her achievements as an artist,” ani Dela Cruz-Bernal.

Paliwanag naman ni Vizcocho, “Nora Aunor’s entry in the film industry is legendary. She changed the status quo and became the status quo, the new definition of a true idol in her era.”

Kabilang rin sa gagawaran ay ang multi-awarded cinematographer na si Romy Vitug.

Nitong nakaraang taon, ginawaran naman si Eddie Garcia at Elwood Perez sa kanilang ambag sa sining ng pelikula.

Ang 2nd SBIFF ay gaganapin sa June 21-23, 2019 sa Harbor Point Ayala Mall sa Subic Bay Freeport Zone. (Ronaline Avecilla)