Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora pinalakas ng dasal

0 138

Walang duda na ang Philippines’s greatest actress, ang nag-iisang Nora Aunor ang pinakamaningning na miyembro ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining.

May tribute program na ginawa sa Tanghalang Nicanor Abelardo, ang panguahing tanghalan sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas para kay Aunor at sa ibang mga bagong hirang na National Artists na kinabibilangan nila

Ricky Lee, Agnes Locsin, Gemino Abad, Fides Cuyugan Ascencio at mga posthumous honorees na sina Tony Mabesa, Marilou Diaz-Abaya at Salvacion Lim-Higgins.

In fair Verona, ang elegante at damang-dama ang kasosyalan ng tribute show. Alam mong sinaliksik ang background ng mga Pambansang Alagad ng Sining at ang special numbers para patingkarin pa lalo ang kanilang mga kontribusyon sa sining eh talaga namang kahanga-hanga.

Ang diva that you love super bet na may sariling theme music ang mga Pambansang Alagad ng Sining na tinugtog ng Philippine Philharmonic Orchestra habang sila ay isa-isang pumapasok sa CCP.

Si Nora ang panghuli sa mga rumampa sa loob. Lahat ng mga dumalong National Artists at mga kinatawan nito ay may designated ushers.

Ang mga hindi ko malilimutang special numbers ay ang “Jeepney,” tula ni Abad na may oral interpretation rendition si Shamaine Buencamino.

Panalo rin ang photo montage kung saan makikita ang mga pabulosang mga ternong ang may likha si Madam Higgins-Lim. On display rin ang mga terno niya sa CCP lobby.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Apolinario Mabini dance excerpt ang ipinikitang likha ni Locsin na mula sa modern ballet na “La Revolucion Filipina” at maririnig rin sa katapusan ng excerpt ang madadaming boses ni Nonie Buencamino na siyang gumanap na Emilio Aguinaldo sa nasabing ballet ni Locsin.

May aria mula sa “La Loba Negra” na partisipasyon ni Cuyugan-Ascencio at isang play excerpt rin tungkol dito naman ang ipinakita para kay Mabesa.

Kina Abaya, Aunor, at Lee, na pawang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts, maiikling bahagi ng “Brutal”. “Moral” at “Karnal” na mga pelikula ni Abaya na si Lee ang screenplay writer.

May movie excerpt din ng “Himala” ni Nora at may musical excerpt din ito na ang umawit naman ng “Walang himala. Ang himala ay nasa puso ng tao…” ay si Aicelle Santos.

Of course, panalong-panalo ang talumpati ni superstar Nora Aunor na inalay niya talaga sa kanyang hukbong Noranians.

Ilang bahagi mula sa kanyang talumpati: “Hindi po ako nakadalo sa Malacañang ngunit nagiging malakas po ang pakiramdam ko dahil sa mga dasal ninyo. Salamat po sa pag-aalala at pagpaparating ng inyong mga mensahe. Utang na loob ko po sa inyo lahat ang buhay at sining na minahal niyo po sa isang Nora Aunor simula po noong nakipagsapalaran po ako na umawit at sinuong ang buhay na pelikula ilang dekada na ang nakakaraan.”

Aniya pa: “Hindi po lahat madali ang buhay na ito ngunit wala po akong maisusumbat kanino man dahil sa kabila ng lahat na hirap at kontrobersiya, patuloy po ninyo akong minamahal, at ang sining na aking inihandog sa inyong lahat.”

Masigabo ang palakpakan sa lahat ng mga National Artist pero siyempre, pinakamaigting at maiinit ang para kay Nora Villamayor aka Nora Aunor.

Mabuhay ang bagong kasali sa Orden ng Mga Pambasang Alagad ng Sining.

Leave A Reply

Your email address will not be published.