Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora, Vilma, Jaclyn benta sa mga beki

0 253

Dahil nga universal ang agreement ng sangkabekihan na si Nora Aunor ang tatanghaling pinakamahusay na aktres para sa “Isa Pang Bahaghari,” pansin na pansin tuloy na maigting ang eskrimahan at salpukan para sa kategoryang best actor.

Siyempre pa, ang mga diwata at sirenang matataba ang mga utak, may kanya-kanyang mga manok na super pushed. Ang nakakaaliw sa mga dekalibreng aktres rin kinakabit ang husay ng mga iniisip na magiging nominado.

Si John Arcilla para sa “Father Suarez The Healing Priest,” para sa mga baklang manungugngulot, nag-Nora Aunor sa husay.

Ang kuda naman mula sa mga baklang manicure at pedicure ang expertise, humi-Hilda Koronel sa pagka-talyada sa “Isa Pang Bahaghari.”

Tiling galing sa mga baklang masahista, ang isa pang bidang lalaki sa Joel Lamangan movie, si Phillip Salvador, ang pagganap, bumi-Vilma Santos.

At ang pwede raw na sumilat sa tatlo, ay ang no acting please at dyuma-Jaclyn Jose ang performance.

Eh l,kamusta na ang pag-arte ni Jinggoy Estrada sa “Coming Home?” All together now ang mga baklang kankarot, ano pa nga ba blooming eh di, uma-Alma, as in Alma Moreno of Virginia P.

Ina, Osang magpapatigas ng mga bagets

Sa totoo lang parang kay sarap-sarap pala talaga nitong si Saviour Ramos, anak ni Wendell Ramos, at si Shu Calleja na isa palang popular at super papable na influencer.

Supporting cast ang dalawa sa isang BL drama.

Sa zoom conference, kitang-kita at damang-dama ang chemistry at harutan nina Ramos at Shu. Kung ang dalawang bida ay behaved at super formal, sina Saviour at Calleja ay touch-feely with each other.

Parehong mahilig sa cougars ang mga binata. Si Ina Raymundo ang nagpaptigas sa mga ugat ni Ramos. At si Rosanna Roces naman ang nagpapapgigil kay Shu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.